Filipino: PLANONG SISTER CITY LINKS PARA SA CAGAYAN AT CHINA, INILATAG NG CHINESE DELEGATES
Bumisita si Ambassador Yan Wanming, Chinese People’s Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC) President at iba pang Opisiyal sa Lalawigan ng Cagayan ngayong Sabado, Disyembre 16, 2023
Ayon sa Delegasyon, ang Probinsiya ng Cagayan ang kanilang unang binisita na Probinsiya sa buong Pilipinas sa kanilang pagtungo dito sa Bansa.
Malugod na tinanggap ni Atty. Mabel Villarica Mamba, Unang Ginang ng Lalawigan ng Cagayan sina Ambassador Yang kasama si Tuao Mayor William Mamba, Board Member Rodrigo De Asis, mga alkalde, department heads, at Consultant ng Kapitolyo ng Cagayan. Kasama rin ng Diplomat ang Team nito na sina Tian Zhingang, Deputy Director- General of East Asian Affairs Department, Sun Liang, Deputy Director-General for Administration, Zhang Weiwei, Li Xiaoming, Project Officer of East Asian affairs Department, Tian Hanxiang, Secretary of the President, Consul Ren Faquiang, Consul Head of Post of the Chinese Consulate, at Consul Ma Ning.
Ayon kay Ambassador Yang, layunin ng kanilang pagbisita sa Cagayan na mapalakas ang ugnayan ng Bansang China at Cagayan upang maiangat ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng China at Lalawigan.
"We are here to build mutual trust for further development, relation of your Province and China. We will support to your socio economic development. We are here to strengthen the communication to build mutual trust for further development," sambit ni President Yang.
Dito rin inilatag ng mga Opisiyal ang planong Sister City Links ng Cagayan at China. Anila malaking oportunidad ito dahil mayaman ang Cagayan sa Human at Natural Resources. Kanilang ipinaliwanag ang importansya ng Sister City kung saan ito ay mas matibay na ugnayan ng dalawang Lugar sa promosyon ng Cutural, Economic, at Educational Ties.
Sa pamamagitan ng mga ugnayang ito, maaari umanong matuto mula sa mga karanasan ng bawat isa sa mga Lugar katulad ng Urban Development, Sustainability, Arts and Culture, Education, at Business.
Sa kasalukuyan ang mayroong Sister City relation ng China at Pilipinas ay ang Hangzhou at Baguio City, Guangzhou at Manila City, Shanghai at Metro Manila, Xiamen at Cebu City, Shenyang at Quezon City, Fushun at Lipa City, Hainan at Cebu Province.
Kaugnay rito, ibinahagi naman ni Mayor Miguel Decena ng Enrile ang yaman ng Cagayan lalo na sa Agricultural Products na maaring i-export sa kanilang Bansa. Hiniling rin ni Jam Miranda, Sangguniang Bayan Member ng Buguey ang tulong para sa Scholarship ng mga young Scientist ng Cagayan na magkaroon ng training sa Bansang China base na rin sa kanilang Resources at Expertise sa larangan ng Aqua-Culture Fishing. Positibo naman ang naging tugon ni President Yang dahil pwede lang umanong mag-submit ng Proposal sa CPAFFC.
Binati rin ni Christian Guzman, MCNP Director ang kaparehong layunin ng dalawang Bansa lalo na sa Edukasyon. Humirit rin ang Opsiyal na bukod sa Edukasyon ay kung maaring i-extend sa larangan naman ng Medisina. Ibinahagi rin ng Representante mula sa Bayan ng Claveria ang pagnanais nito na maging Partner ang China sa kanilang Produkto at Turismo.
Samantala, inimbitahan rin ni President Yang mga Cagayano na pumasyal sa kanilang Bansa at tunghayan ang kanilang ipinagmamalaking yaman.