Himig ng̃ Paskó

edit

by Serapio Y. Ramos

Malamíg ang simoy ng̃ han͠gin
Kay sayá ng̃ bawat damdamin
Ang tibók ng̃ pusò sa dibdíb
Para bang hulog na ng̃ lan͠git

Himig paskó'y laganap
Mayro'ng siglâ ang lahat
Walà ang kálungkutan
Lubós ang kásayahan

Himig ng̃ paskó'y umiiral
Sa loób ng̃ bawat tahanan
Masayá ang mg̃á tanawin
May awit ang simoy ng̃ han͠gin

Himig paskó'y laganap
Mayro'ng siglâ ang lahat
Walà ang kálungkutan
Lubós ang kásayahan

Himig ng̃ paskó'y umiiral
Sa loób ng̃ bawat tahanan
Masayá ang mg̃á tanawin
May awit ang simoy ng̃ han͠gin

CODA:
Ang tibók ng̃ pusò sa dibdíb
Para bang hulog na ng̃ lan͠git